KAHIT kailan ay nakakaaliw talagang kachikahan itong si Angelica Panganiban.
Sa kanyang “Ask Angelica” zoom conferment, aliw na aliw ang lahat sa kuwento niya noong hindi pa siya nakalalabas dahil sa quarantine.
“Siguro isa sa mga pinakana-enjoy ko is ‘yung nagde-dress up sa bahay, nong nandoon pa si Ketchup (Eusebio) sa bahay.
“Alam mo ‘yun, parang nilu-look forward ko tuwing magigising ako or bago ako matutulog. Nire-ready ko na ‘yung theme. Nagka-cow girl ako, nag-action star ako,” chika niya.
Ang isa pang nakakaaliw niyang kuwento ay noong magbuhat siya ng galun-galong tubig dahil mag-isa lang siya sa kanyang condo unit na nasa third floor.
“Nakakaaliw din kasi no’ng umalis siya (Ketchup), mag-isa na ako sa bahay. Kinailangan kong iakyat ‘yung galun-galong tubig sa bahay. Sabi ko, ‘paano ko ito iaakyat? Kaya ko ba ’to?’
“Eh, ma-pride akong tao, hindi ako humingi ng tulong sa guard. ‘Kaya ko siguro ito.’ Eh, third floor ako nakatira, walang elevator. Naakyat ko naman siya, tapos binalikan ko ‘yung dalawa. Everyday tig-isa.
“Siyempre, mabagal, ‘no. Bawat hakbang ko may pause. Pero still, nakakaaliw na nagawa ko siya. Kaya ko naman pala, umaarte lang pala ako. Nagpapa-girl lang ako,” chika niya.
Anyway, ang “Ask Angelica” ay nakatakdang ipalabas sa Sept. 25, 8 p.m. sa social media accounts of ABS-CBN Films (Star Cinema and Black Sheep), YouTube channels of Sinehub and MyChos, Kapamilya Online Live streams, and the streaming platform Kumu. Maaari din itong mapanood sa iWant TFC app at may delayed telecasts sa Cinema One at Jeepney TV.
* * *
Sa patuloy namang pagharap ng mga Pilipino sa pandemya, kailangan nila ng impormasyon para makapag-desisyon sa mga mahahalagang bagay sa kanilang buhay sa araw-araw.
Makakatulong nila rito ang bagong public service app na Sharea, na sasalansan sa mga datos at ilalapit din sila sa kanilang komunidad.
Mula sa pinagsamang salitang share at area ang Sharea app na nakapaghahatid ng mahahalagang impormasyon tulad ng mga anunsyo ng gobyerno, bakanteng trabaho, at mga aktibidad na na partikular sa pipiliing lugar o lokasyon ng gagamit nito.
Ibig sabihin, ang makikitang impormasyon ng gagamit nito ay para mismo sa kanyang kinabibilangang barangay o lungsod.
“Digital bayanihan” ang konsepto sa likod ng Sharea kung saan makatutulong ang bawat Pilipino sa isa’t isa na makadiskarte at magdesisyon sa araw-araw sa pamamagitan ng palitan ng impormasyon, lalo na ngayong may pandemya.
Para makatulong palakasin at paglapitin ang mga komunidad sa bansa, mayroong tatlong pangunahing feature ang Sharea. Sa Bulletin Board makikita ang mga impormasyon tungkol sa kalusugan, mga ganap, at iba pa. Pero hindi lamang makatatanggap ang gumagamit ng app ng impormasyon.
Maaari rin siyang magbahagi ng kanyang sariling nalalaman tulad ng mga magandang bilihan, nakitang aksidente, o anumang payo na makatutulong sa kanyang kapwa sa Community Wall.
Pwede rin gamitin ang app para makapagpadala ng mensahe sa isa’t isa. Makasisiguro rin na totoo at lehitimo ang mga impormasyon dito dahil sinisigurado na mapagkakatiwalaan ang pinanggalingan ng mga post kundi galing mismo sa mga opisyal na source para maiwasan ang pagkalat ng pekeng balita at impormasyon.
Libre at pwede ng i-download ang Beta version ng Sharea sa Google Playstore sa https://play.google.com/store/apps/details?id=com.abscbn.kapp.