Isinailalim sa physical closure ang Makati Regional Trial Court Branch 66 dahil sa isang kawani na nagpositibo sa COVID-19.
Ang pagsasara ay simula ngayong araw Sept. 22 hanggang Sept. 28.
Sa memorandum ni Executive Judge Ethel Mercado-Gutay, habang sarado ang korte ay magsasagawa ng disinfection sa pasilidad.
Magsasagawa rin ng contact tracing at swab testing sa mga staff na nagkaroon ng close contact sa nasabing empleyado na huling pumasok sa trabaho noong Sept. 14.
Ang mga transaksyon sa naturang korte ay maaring ipadaan sa pamamagitan ng e-mail at hotline numbers.
MOST READ
LATEST STORIES