Gustong maging Brgy. Captain (2) | Bandera

Gustong maging Brgy. Captain (2)

Joseph Greenfield - August 24, 2013 - 07:00 AM

Sulat mula kay Mr. Libra ng Lapasan, Cagayan de  Oro City
Problema:
NAGBABALAK akong kumandidato sa barangay election sa October. Pero minority ang party namin dahil hindi kasi namin hawak ang kasalukuyan liderato sa aming barangay at sa munisipyo. Sa palagay ninyo kaya kahit nasa oposisyon kami at kahit tatlo pa kaming kakandidato ay mananalo ako? May nakasulat kaya sa aking kapalaran na sa taong ito ay magiging barangay captain ako? October 13, 1970 ang birthday ko.
Umaasa,
Mr. Libra ng Cagayan de Oro City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) ang nagsasabing sa tulong ng mga alalay mo na may zodiac sign na Taurus, Aquarius, at Gemini ay tiyak ang magaganap— maraming maniniwala sa inyong plataporma na “pagbabago ng barangay.” Sa ganyang adhikain, tuloy-tuloy na kayong magtatagumpay.
Numerology:
Ang birth date mong 13 ay nagsasabing ngayon pa lang ay umpisahan n’yo nang “mangampanya” o laging maglalabas ng bahay at tumulong sa inyong mga ka-barangay. Makikita mo, pagsapit ng araw ng election ay higit na mananaig ang inyong grupo kesa sa inyong mga kalaban.
Luscher Color Test:
Dilaw ang pinakamapalad mong kulay o kaya ay pula. Iyan ang gamitin mong uniporme tuwing nangangampanya ka. Sa ganyang paraan, lalakas ang karisma mo sa mga botante. Sa araw ng eleksyon ay hindi ka nila makakalimutang isulat sa balota.
Graphology:
Upang matiyak ang iyong panalo, bahagyang inobasyon ng lagda ang ipatupad. Sa halip na pasubsob pababa ang dulong bahagi ng iyong lagda, paangat paitaas ang dapat. Sa ganyang lagda na papataas ang dulo ay siguradong magtatagumpay ka sa lahat ng iyong hangarin at ambisyon sa buhay.
Huling payo at paalala:
Mr. Libra, ayon sa iyong kapalaran, nakatakda at hindi na nga maiiwasan ang magaganap sa taong ito sa buwan ng Oktubre. Ito ay isang sopresa at napakagandang pangyayari na iyong mararanasan—makakalamang ka ng 10 votes sa iyong kalaban! Masasabing ang iyong pagkapanalo bilang barangay captain ay dala pa rin ng suwerte dahil sa likas mong taglay na magandang kapalaran.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending