MAGKASABAY nag-post ng “fake news” kagabi sina Julia Barretto at Gerald Anderson sa kani-kanilang Instagram accounts.
Nauna naming nakita ang larawang ipinost ng aktres sa IG kung saan naka-Indian seat siya sa baba ng kama.
Nakasuot ng sports bra and white soft pants ang dalaga at nakataas ang mga kamay na tila ibinabandera ang kanyang flat tummy habang nakapikit at nakangiti.
Sa nasabing larawan ay parang ipinagdidiinan ng aktres na walang katotohanan ang tsismis ng broadcaster na si Jay Sonza na buntis siya.
Naniniwala kaming hindi nga buntis si Julia dahil hindi siya magiging ganito ka-confident na ipagyabang ang kanyang katawan kung may itinatago siya.
At higit sa lahat, matalino si Julia, ginagamit niya ang utak — marami siyang projects ngayon at higit sa lahat may mga endorsement siya kaya nakakapanghinayang kung mawawala ang mga ito lalo na sa panahon ng COVID-19 pandemic.
Nang bisitahin naman namin ang Instagram ni Gerald na umano’y itinuturong karelasyon ni Julia, nag-post din ang aktot ng “fake news” at ang paniwala ng marami nag-usap sila ni Julia dahil halos pareho ng oras ang kanilang posting.
Ibinahagi ng aktor ang video ng training nila sa “A Soldier’s Heart” na ang caption ay, “Sa panahon ngayon na ang bilis kumalat ng FAKE NEWS. Akala ko magiging FAKE NEWS din ang ‘a soldier’s heart.’
“This video is our test shots and our taping was delayed for months after this. But we still we had hope never lose hope,” anang aktor.
Pero may tanong naman ang follower niyang si @pagscho10, “Pero ang relasyon ni Julia B. Na mgjowa hindi fake yon????????”
Naniniwalang hindi rin totoo ang balitang buntis si Julia dahil ayon sa follower ni Gerald na si @alliah.146, “Excited na sana kami na makita kng magka baby pero alam ko na FAKE NEWS ‘yung kumakalat n balita patungkol sa pagdadalantao umano ni Ms. Julia.
“Alam kong responsable kang tao at alam kong lahat ay pinaghajahandaan mo! Pero kung sakaling magkatotoo ‘yun isa kami sa matutuwa dahil makikita na namin ang magiging baby mo! Nakaka excite lang (emoji hearts).”
Samantala, marami naman ang na-turn off at naaaliw kay Mr. Jay Sonza dahil sa umano’y pagpapakalat ng fake news.
Comment ng ilang fans nina Julia at Gerald, kung kailan daw siya tumanda ay saka pa naging tsismoso.
Wala pang bagong post ang dating broadcaster tungkol sa umano’y pagpapakalat ng pekeng balita tungkol kina Julia at Gerald.