Para sa may kaarawan ngayon: Walang pagsisidlan ang kaligayahan! Kahit may malaking gastusin, maglaan ng salapi para makaipon. Sa pag-ibig, kung sino ang magbigay ng regalo na kulay “red” siya ang tunay na nagmamahal. Mapalad ang 3, 8, 18, 27, 37, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Bis-Vivit-Que-Nene-vit.” Red at pink ang buenas. Aries – (Marso 21-April 19) — Nasa sarili mong pagsisikap ang ikauunlad. Sa pinansiyal, huwag kang umasa sa iyong mga kadugo at kamag-anak. Sariling diskarte sa pagpapayaman ang ipatupad. Sa pag-ibig, ang pagtatampo ng kasuyo ay lilipas din. Mapalad ang 8, 16, 25, 29, 32, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Visnu-Purana-Om.” Silver at blue ang buenas. Taurus – (April 20-May 20) — Tanggapin nang maluwag sa loob ang mga kalamidad na dumarating—mawawala rin ‘yan. Gawing oportunidad ang malawakang pagbaha upang kumita magtinda ng bangka, kapote, bota, rubber shoes at payong. Sa pag-ibig, habang lumalamig ang panahon ay lalo namang iinit ang relasyon. Mapalad ang 2, 16, 25, 34, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Om.” Red at pink ang buenas. Gemini – (May 21-June 21) — Sa pinansiyal, ito ang panahon upang daigin ang iba. Ituloy ang binabalak na negosyong may kaugnayan sa modernong teknolohiya. Sa pag-ibig, puspusan ang ginagawang effort sa iyo ng iyong kasuyo, pansinin mo naman siya. Mapalad ang 3, 15, 21, 34, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Rama-Om.” Magenta at white ang buenas. Cancer – (June 22- July 22) — Kung muling bubuhos ang ulan, magtanim ng halaman. Sa ibat-ibang kulay ng bulaklaking halaman ay mas madali kang susuwertehin at uunlad. Sa pag-ibig, akitin ang minamahal sa pamamagitan ng tatlong pulang rosas. Mapalad ang 7, 16, 24, 33, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Amara-Ananda-Marga-Om.” Lilac at purple ang buenas. Leo – (July 23 – August 22) — Ituloy ang kasalukuyang diskarte. Sa pinansiyal, kapag nahawi na ang mawalakang pagbaha, malaking kita ang makakamit. Sa pag-ibig, giniginaw ang kasuyo, kailangan niya ng mainit na kape. Mapalad ang 7, 18, 27, 36, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Rama-Om.” Yellow at beige ang buenas. Virgo – (August 23 – September 22) — Habang walang pasok ay maging palabasa. Sa pagbabasa, makakatuklas ka ng pormula sa pagyaman! Sa pag-ibig, regaluhan ang kasuyo ng librong may temang love story – matutuwa siya sa iyo! Mapalad ang 6, 9, 15, 27, 33, at 40. Mahiwga mong mantra: “Ketu-Rahu-Kawa-Om.” Red at blue ang buenas. Libra – (September 23-October 23) — May babala ng karamdaman. Sa pinansiyal, bumili at kumain ng mga prutas na makatas at maraming hibla. Sa pag-ibig, makipagromansahan sa kasuyo upang lalong lumakas ang immune system. Mapalad ang 3, 9, 13, 25, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Credo-Ut-Intelligam-Om.” Magenta at white ang buenas. Scorpio – (October 24 – November 21) — Wag mong intindihin ang sinasabi ng iba. Sa pinansyal, para umunlad ka at yumaman ay gawin mo agad ang anumang nasa isip mo. Sa pag-ibig, huwag kang masyadong seryoso upang kapag nabigo hindi masyadong masaklap. Mapalad ang 4, 8, 16, 25, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Red at blue ang buenas. Sagittarius – (November 22 – December 21) — Ang araw na ito ay araw ng pamamahinga. Tigilan ang pag-iisip kung paano yayaman. Kusang darating ‘yan sa hindi inaasahang pagkakataon! Yayain ang kasuyo sa isang lugar na malapit sa nature at doon kayo mamasyal. Mapalad ang 1, 19, 22, 31, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jiva-Gosvami-Om.” Green at violet ang buenas. Capricorn – (December 22 – January 19) — Kailangan mong patawarin ang mga taong nagkasala upang lalong umunlad ang buhay at magkaroon ka ng peace of mind. Mas lalong effective kung magagawa mong patawarin na rin ang kanilang mga pagkakautang. Mapalad ang 4, 13, 28, 33, 39, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aut-Vincer-Aut-Mori.” Yellow at red ang buenas. Aquarius – (January 20 – February 18) — Mag-concentrate na lang sa mga gawaing may kaugnayan sa pagkakaperahan. Sa pag-ibig, kakaibang magic ang mangyayari—habang umiiwas ka ay saka naman siya maghahabol. Mapalad ang 3, 16, 23, 27, 38 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Chaintaya-Yama-Om.” Purple at lilac ang buenas. Pisces – (February 19 – March 20) — Sa malayong pook matatagpuan ang magandang kapalaran. Simulan na ang pag-aaplay sa abroad ngayon. Sa pag-ibig, masusumpungan ang true love sa isang lugar at sandali na hindi mo inaasahan. Mapalad ang 5, 17, 23, 35, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Ipsa scientia potestas est.” Green at white ang buenas.