Alex dapat daw tumulad kay Lloyd Cadena: Para may katuturan naman kinikita n’yo na mula rin sa tao

NAPILITAN si Alex Gonzaga na ibandera sa publiko ang tinutulungang foundation matapos masabihang dapat daw niyang tularan ang yumaong vlogger na si Lloyd Cadena.

Bukod sa pagiging sikat na sikat sa social media bilang YouTube content creator, kilala rin si Lloyd sa pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan.

Kaya naman talagang napakaraming nagluksa at nalungkot sa kanyang biglaang pagpanaw, kabilang na ang mga kaibigan niya sa mundo ng showbiz.

Sa isang post ni Alex sa social media, may isang netizen ang nagsabi sa kanya na sana’y i-share naman ng actress-TV host ang kinikita niya bilang vlogger.

“Hope you don’t mind. How I wish you do what the late vlogger Lloyd Cadena has been doing. Like imagine spending so much for school supplies of school children. Giving stuff to squatters.

“‘Yung may katuturan naman ang kinikita nyo na mula din sa tao. ‘Yung para kang may legacy. People like to watch your vlogs. Give back also to them,” ang mensahe ng netizen sa kapatid ni Toni Gonzaga.

Marespeto naman siyang sinagot ni Alex at sinabing may tinutulungan siyang isang foundation na nagbibigay ng scholarship sa mga mahihirap na estudyante.

“Hello we have a foundation po. We have scholars we are supporting until college,” sey ng dalaga.

Dagdag pa niya, “As much as we wanted to show it bawal po kasi pakita ang mga mukha ng bata. We help to bring back the glory to God. Thank you po for your suggestion.”

Isa si Alex sa mga local celebrities na may milyun-milyong followers sa YouTube na ang ibig sabihin, milyones din ang kanyang kinikita bilang vlogger.

In fairness naman sa younger sister ni Toni, marami-rami na rin siyang natutulungan mula sa sarili niyang pera ngunit hindi lang niya ito ipinangangalandakan.

Read more...