Magnitude 4 na lindol, yumanig sa Surigao del Sur

Niyanig ng magnitude 4 na lindol sa Surigao del Sur.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 106 kilometers Northeast ng Bayabas.

Naramdaman ang pagyanig bandang 12:28 ng tanghali.

26 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Ayon sa Phivolcs, aftershock ito ng tumamang magnitude 6.1 na lindol sa Bayabas, Surigao Del Sur noong September 21.

Hindi naman nagdulot ng pinsala ang aftershock sa Bayabas at mga karatig-bayan.

Read more...