Pork barrel papalitan lang ng pangalan – Bayan Muna

TALAGA bang buburahin na ang pork barrel o iibahin lang ang pangalan nito? Ito ang tanong ni Bayan Muna Representatives Neri Colmenares at Carlos Zarate kaugnay ng pahayag ni Pangulong Aquino na buwagin ang Proprity Development Assistance Fund o mas kilala bilang pork barrel.

“Looking at Pres. Aquinos statement, he still stubbornly refuse to abolish pork by merely changing the name PDAF and putting in regulations like congressmen will have to choose from a list of projects to choose from and limiting it to the district of the congressman concerned, practically transforming it into an itemized pork barrel system,” ani Colmenares.

Sinabi ni Colmenares na maaaring ginawa ni Aquino ang pahayag upang maiwasan ang nakatakdang rally laban sa PDAF sa Lunes.

Hindi rin umano sinabi ni Aquino na bubuwagin na rin ang presidential pork barrel na mas malaki kaysa sa natatanggap ng mga senador at kongresista.

“Restrictions or regulations will not work to stop the corruption in the pork barrel system even if PDAf is abolished as long as there is presidential pork,” ani Colmenares.
Ayon naman kay Zarate nais lamang ni Aquino na pahupain ang init ng pagtuligsa sa pork barrel kaya ginawa niya ang pahayag.
Read more...