Diego nag-beach trip kasama ang 3 kapatid; Sunshine nagpasalamat kay ‘kuya’

 

MULING nakipag-bonding si Diego Loyzaga sa mga kapatid niya sa ama na sina Angelina Isabelle, Samantha Angeline at Angel Francheska.

Ang tatlong dalagita ay anak ni Cesar Montano kay Sunshine Cruz at mula noon hanggang ngayon ay close si Diego sa mga ito.

Kamakailan nga ay nag-post ang binatang anak nina Cesar at Teresa Loyzaga sa social media ng litrato kasama ang mga kapatid.

Ang caption na nakalagay sa larawan ay, “Beach trip with my clones.”

Mukhang conservative ang panganay ni Sunshine na si Angelina dahil naka-shorts ito sa beach samantalang sina Sam at Franchesca ay parehong naka-two piece.

Maraming naaliw at natuwa sa larawan ng magkakapatid na umabot na sa 78k plus ang likes sa loob lang ng dalawang oras.

Tanong ni Sunshine sa kuya ng mga anak, “Hindi ba pinasakit ang ulo mo Diegs?! Ha ha?” Na sinagot naman agad ng aktor, “@sunshinecruz718 no tita!! Sobrang hindi.”

Say naman ni Shine, “@diegoloyzaga thanks for taking care of your siblings Diegs. Next time kasama na kami ni @teresaloyzaga.”

Pinuri naman ng followers niya si Diego bilang proud kuya.

Mula kay @tinekitchen, “@sunshinecruz718 your girls are pretty and looks like they have a very proud kuya.”

At kasing sexy naman ni Sunshine ang mga anak niya sabi ni @lillyetroquite, “@sunshinecruz718 yong isa girl copy of shine but both of them pretty sexy like her mum.”

Puro heart emoji naman ang post ng tiyahin ng aktor na si Bing Loyzaga at pinasalamatan niya ito.

Pawang papuri rin ang natanggap ng magkakapatid mula sa netizens.

Sabi ni @connieesguerra8533, “Nice photo welcome back Diego, beautiful kids.”

Comment naman ni @anjlynlongaza, “Love to see them enjoying together, ha ha.”

“Magkamukha talaga kayo ni Cheskaaaaaa, D! The way you guys smile,” ang sabi ni @aamarahysabelle.

Sa ngayon ay walang balita kung may bagong proyekto si Diego at kung tatalon na siya sa ibang TV network since wala na rin naman siyang kontrata sa ABS-CBN at Star Magic.

Hindi kaya sundan niya ang nanay niyang si Teresa Loyzaga sa GMA 7 na may kasalukuyang programa ngayon sa network?

Read more...