Enzo COVID survivor, saludo sa frontliners: Mga bayani kayo, salamat sa lahat ng sakripisyo

 

COVID-19 survivor din pala ang Kapamilya hunk actor na si Enzo Pineda.

Ibinalita ng binata sa madlang pipol ang tungkol sa pagkakaroon niya ng coronavirus sa pamamagitan ng isang Instagram post.

Aniya, sabay silang na-confine ng amang si 1-Pacman partylist Rep. Enrico Pineda sa ospital nang magpositibo nga sila sa COVID-19.

Nagpasalamat si Enzo sa kanyang mga kapamilya at kaibigan na nagsilbi ring “gamot” para mas mapabilis ang recovery nila ng ama habang nakikipaglaban sa killer virus.

Hindi rin niya nakalimutang banggitin ang lahat ng medical frontliners na tumutok at nag-alaga sa kanila habang nasa ospital.

“Thank you to all the hardworking doctors, nurses and crew of Cardinal Santos Medical Center who took good care of me and my Dad.

“Mga bayani kayo and salamat sa lahat ng sakripisyo na ginagawa niyo para sa ating bayan,” bahagi ng caption ng aktor sa kanyang IG post.

Dagdag pa niyang pahayag, “Definitely this pandemic made me closer to Him. I promised God that I will come out stronger mentally, physically and spiritually after this experience. God is good.”

Kung matatandaan naunang nabalita na nag-positive sa COVID si Rep. Pineda kaya agad itong nagpa-quarantine.

Hindi naman nabanggit ni Enzo kung magaling at naka-recover na rin ang ama mula sa killer virus.

Read more...