DAHIL sa matinding epekto ng COVID-19 pandemic sa kanilang pamilya, nagdesisyon na ang mag-asawang LJ Moreno at Jimmy Alapag na iwan na ang Pilipinas.
Nag-migrate na sila sa Amerika kasama ang mga anak para doon muna manirahan at ipagpatuloy ang kanilang buhay habang patuloy ang pandemya.
Sa latest YouTube vlog ng celebrity couple, nagbigay sila ng ilang detalye tungkol sa pag-alis nila ng Pilipinas.
Sinabi ni Jimmy na isa sa mga rason ng pag-alis nila ay ang mga pagbabago sa basketball sa Pilipinas na siyang pinagkukunan nila ng ikabubuhay, pati na ang kundisyon ng kanyang ama sa US.
“It’s been a strange six months, to say the least. With so many of us affected by this pandemic, I know it has forced us as a family to change course a little bit in terms of our plans as a family.
“Going through everything these past few months, LJ and I spoke about what will be the next step for our family, what’s going to happen as far as the basketball game is in Manila.
“We decided to move back here in the States for the meantime,” pahayag ni Jimmy.
Aminado naman si LJ na nagdalawang-isip siyang lisanin ang bansa para sa US na manirahan lalo pa’t nakunan pa siya kamakailan lang.
“For those of you that know me that I’ve been vocal that I wasn’t for this. I didn’t want to move to the States, at least not yet.
“We both love the Philippines. We started our family there and we met our eldest there,” lahad ng aktres sa kanilang vlog.