Umabot na sa 185,650 na overseas Filipinos (OFs) ang na-repatriate simula nang magpauwi ng mga Filipinong apektado ng COVID-19, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Naitala ang nasabing datos mula February hanggang 2:00, Linggo ng hapon (September 20).
Nitong nagdaang linggo, sinabi ng kagawaran na aabot sa 11,611 ang napauwing overseas Filipinos.
Sa kabuuang bilang na 185,650, 65,048 o 35.04 porsyento ang sea-based habang 120,602 o 64.96 porsyento ang land-based.
Sinabi ng kagawaran na patuloy pa rin ang repatriation sa mga nais umuwi ng Pilipinas.
Inabisuhan ng DFA ang sinumang OF na nais makauwi ng Pilipinas ay maaaring ipagbigay-alam sa embahada o konsulado sa kanilang lugar.
MOST READ
LATEST STORIES