Balik eskwela si Julia Montes ngayong panahon ng pandemya.
Sa Instagram post, sinabi ni Julia na nag-enroll siya sa Southville International School and Colleges sa Las Piñas bilang bahagi ng kanyang “new journey from home.”
“I am glad to be part of Southville International School and Colleges as I officially go back to school,” ayon pa sa 25-anyos na aktres.
“This is how I turn a crisis into an opportunity, doing things I’ve always wanted now that I have the luxury of time,” ani Julia.
Dati nang nagtapos ng kolehiyo si Julia noong 2015 sa Center of Culinary Arts Manila.
“Indeed, education is a lifelong venture,” dagdag pa ng dalaga. “And what I love most is that at Southville, you can do your passion without compromising your academic goals. How does that sound? So this is it!”
Hindi binanggit kung ano ang kursong kinukuha niya sa Southville.
Blended learning ang kasalukuyang ipinatutupad na pamamaraan ng edukasyon sa bansa dahil sa umiiral na pandemya.