Meet Mariel Padilla: Nanay, maybahay, camerawoman

Work from home si Robin Padilla bilang host ng programa niyang Unlad:  Kaagapay sa Hanapbuhay na napapanood tuwing Linggo sa NET 25 Eagle Broadcasting Corporation.

Ang maybahay niyang si Mariel Padilla ang taga-ayos ng camera at kung anong anggulong maganda para kay Binoe.

Nag-post si Robin ng larawang hinahanapan siya ng anggulo ni Mariel na talagang may mga ilaw pa sa paligid.

Ang caption ni Binoe, “Abay Kapag ganito naman ang posisyon ng camerawoman.”

Wala kasing pakialam si Mariel na nakasampa ang isang paa sa pasimano ng bintana at natuntong naman sa upuan ang isa paa para maganda ang kuha ng asawa.

Marami ang natuwa sa kuhang ito ng hubby ni Mariel sa kanya at umabot sa 38.7k likes/love at puring-puri siya dahil napaka-supportive wifey at kahit na anong itsura pa niya ay sinabihan siya ng, ‘cute mo Mariel.’

Bilib kami kay Mariel dahil kahit marami silang kasama sa bahay ay siya ang personal na umaasikaso sa mag-aama niyang sina Robin, Isabella at Gabriella kasama pa ang pagiging camerawoman.

At pag si Mariel naman ang gagawa ng vlog para sa Cooking Ina show niya ay si Robin din ang tumutulong sa kanya para mag-set-up ng camera, mga ilaw at iba pa.

At mukhang bumigay na ang katawang lupa ng misis ni Binoe dahil may sakit siya ngayon at ang TV host/actor ang nag-aasikaso sa kanya.

Base sa larawang post ni Mariel ay hinahatiran siya ni Robin ng pagkain sa loob ng kuwarto dahil hindi siya lumalabas.

Ang caption ni Mrs. Padilla, “I take care of everyone but he takes care of me. Thank you babe @robinhoodpadilla sana gumaling na ako.”

Read more...