Ano nga kaya ang malalim na dahilan ng namuong away sa pagitan nina Jackie Foster at Isabel Oli?
May nakakalokang mensahe kasi si Jackie kay Isabel sa Instagram account nito.
Sey ni Jackie kay Isabel, “Please do not play ignorant or stupid by blocking people who tag me on your video of my children on your open public profile just because you are kissing someone ass to get that clip.
It’s one thing do some desperate things and play ignorant it’s another to go out of your way to delete my name and block those who care…,” sabay mention nito sa mga pangalan ng kanyang mga kaibigan.
Nakakaloka lang ang drama nitong si Jackie dahil matapos nga siyang mag-emote para patawarin na siya ng kanyang mga anak na sina Kobe at Andre, heto’t mukhang masusuong na naman sa isang matinding giyera ang dating misis ni Benjie Paras.
Habang isinusulat naming ang item na ito, wala pang sagot si Isabel. Ang tanong, hindi kaya mas lalo lang layuan si Jackie ng kanyang mga anak dahil sa mga ganitong iskandalo?
( Photo credit to Google )