Mananatili ang isang metrong distansya ng mga pasahero sa mga pampublikong transportasyon, ayon sa Palasyo ng Malakanyang.
Ayon kay Presidential spokesperon Harry Roque, inihayag ni Transportation Secretary Arthur Tugade sa pulong ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) na mananatili ang “one-meter rule” sa public transportation habang wala pang desisyon si Pangulong Rodrigo Duterte ukol dito.
“Sec Tugade just manifested in IATF meeting that one meter rule in public traspo remains until PRRD decides on the matter,” nakasaad sa tweet ni Roque.
Dahil dito, suspendido muna ang implementasyon ng 0.75-meter physical distancing sa mga pampublikong sasakyan.
Matatandaang sinimulan ang pagpapaliit ng physical distancing noong Lunes, September 14. ( wakas )