HOT topic sa Twitter ang Kapuso actress na si Gabbi Garcia matapos mag-trending ang sweet message niya para kay Khalil Ramos.
Ibinandera ng dalaga sa social media ang nararamdamang kaligayahan na dulot ng relasyon nila ng kanyang boyfriend.
Sa pamamagita ng Twitter, ipinagmalaki ng singer-actress sa publiko kung gaano siya kaswerte sa pagkakaroon ng karelasyong tulad ni Khalil Ramos.
Mensahe ni Gabbi, “Ang saya talaga kapag nasa tamang tao ka. Parang everything good follows.”
Aniya pa, “Parehas kayong naghihilahan pataas. Alam mong mabuti kayo para sa isa’t isa.”
Diin ng dalaga, nais lang daw niyang isigaw sa buong mundo kung gaano siya kasaya ngayon sa piling ng tamang tao na kasama niyang naglalakbay tungo sa magandang buhay.
“Wala lang, ang saya lang for the past three years ang sarap sa pakiramdam mag bloom with the right person. Yun lang, goodnight,” pahayag pa ni Gabbi.
In fairness, halos lahat ng reaksyon at comments na nabasa namin sa tweet ni Gabbi ay puro positibo. Karamihan sa mga ito ay nagsabing mas na-inspire pa sila sa kanilang lovelife.
Tatlong taon nang magkarelasyon sina Gabbi at Khalil, nag-celebrate sila ng kanilang third anniversary last February, 2020 at mukhang sa kasalan na nga mauuwi ang kanilang wagas na pagmamahalan.