MAY dalawang taong hinding-hindi malilimutan ng Kapuso character actress na si Maureen Larrazabal noong tamaan siya ng COVID-19.
Ang mga ito raw kasi yung talagang nagbigay ng 100% support at pagtulong sa kanya habang nakikipaglaban sa killer virus.
Sa panayam ng GMA kay Maureen, pinasalamatan nito ang lahat ng nagdasal at nagpakita ng concern sa kanya noong magka-COVID siya lalo na sa asawa ni Michael V na si Carol Bunagan at sa co-star niya sa “Pepito Manaloto” na si Mosang.
“I’m very lucky na very supportive ng mga kasama ko sa Pepito Manaloto and si Bitoy with the wife.
“Si Ayoi (Carol) mismo ‘yung everyday na tumatawag to check up on me. I’m very, very lucky to have Ayoi na, ‘O, ganito ano na ba ang temperature mo, make sure that your oximeter is there. Make sure you take this. And then mag-tuob ka twice a day,’” pahayag ng komedyana sa nasabing interview.
Lahad pa ni Maureen, “And siya mismo, tinawagan niya ako after niyang malaman na masama na ‘yung pakiramdam ako. Inalalayan niya ako along with Mosang na si Baby ng Pepito Manaloto.
“Both of them nag-a-alternate ng call, may tatawag sa umaga, may tatawag sa gabi making sure that I am okay.
“Kaya nga I’m very, very grateful to them because I didn’t have to ask for anything talagang ibinigay nila ‘yung help in good faith. They are really concerned,” dugtong pa niya.
Samantala, tinanong din ang Kapuso comedienne kung nakaranas ba siya ng discrimination nang gumaling na siya sa virus.
Tugon ng aktres, “I am very fortunate that the people I’m surrounded by very compassionate na mga tao.
“Sincerely, they have a good heart and they are willing to help and they are really concerned. Yung discrimination, because may stigma ang COVID, hindi ko siya naramdaman,” diin ni Maureen.
“But you know, to me kasi, kailangan mo rin irespeto kung ano ‘yung gusto nila, tsaka ‘yung magiging reaksyon nila. Hindi mo rin masisi, e.
“I have no grudges, wala akong galit or whatever sa mga taong ganu’n kung meron man magpaparamdam sa akin, maiintindihan ko.
“Takot sila, e. They are not familiar with COVID at saka sa social media kung anu-ano nababasa mo, naririnig mo. Nababalitaan mo na it’s very deadly and all,” katwiran pa ng komedyana.