Air Force rescue helicopter bumagsak sa Lantawan, Basilan; 4 patay

Bumagsak ang isang Air Force rescue helicopter sa Lantawan, Basilan Miyerkules ng tanghali.

Ayon sa Isabela City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO), bumagsak ang helicopter sa bahagi ng Barangay Upper Manggas bandang 12:45 ng tanghali.

Natagpuang patay ang apat na sakay nito.

Sinabi ng Isabela CDRRMO na nagsasagawa na ng imbestigasyon sa aksidente.

Read more...