BINIGYANG-PUGAY ni Robin Padilla ang mga kababayan nating OFW na patuloy na tinitiis ang hirap sa ibang bansa para mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga pamilya dito sa Pilipinas.
Malaki ang ambag ng mga OFW sa ekonomiya ng Pilipinas sa pamamagitan ng kanilang remittances na sa bawa’t sentimo ay katumbas ng dugo’t pawis nila.
Kaya isa kami sa pumuna noong planong magpatupad ang pamahalaang Duterte na lakihan ang hulog ng mga OFW sa Philhealth para malaki ang pakinabang ng kani-kanilang mga pamilya kapag nagkasakit at naospital.
Inakala kasi ng iba na hindi nagbabayad ng kanilang kontribusyon sa Philhealth ang mga OFW, pero marami rin ang kumontra at nagsabing regular silang nagbabayad.
Kaya naman naka-hold ngayon ang nasabing plano ng gobyerno. Tapos heto, mababalitaan mo, ang laki ng korupsyon sa Philhealth? Ang galing, di ba.
Anyway, nagsindi ng kandila si Robin at nag-alay ng panalangin sa mga kababayang OFW nawawala sa gitna ng karagatan base sa video post niya sa kanyang Instagram account.
“Utang na loob sa mga bayani.
“Bismillah…
“Aoodhu billahi minashaytani rajeem…
“Napakalaki ng naitulong sa aking buhay ng mga OFW sa pamamagitan ng kanilang remittances kaya sa mga pelikula ko katulad ng unexpectedly yours seaman ang aking role bilang pagpupugay sa mga mandaragat.
“Mga Anak ng Bayan, ‘wag tayong makalimot sa kanilang mga sakripisyo at kabayanihan. Marami pa sa ating mga bayaning seaman ang hindi pa natatagpuan sa karagatan ng Japan.
“Magkaisa po tayo mga mahal kong kababayan. Mag alay tayo ng taimtim na panalangin para sa kanilang kaligtasan at kagyat na pagkakasagip, kasalukuyang nagdurusa sa pagkabalisa ang mga pamilya ng mga bayaning seaman na ito samahan natin at damayan natin sila.
“Ang bawat segundo ng paghihintay ay nababalot ng takot at emosyonal na paghihinagpis.
“’Wag tayong makalimot mga kababayan kong Pilipino! Tanging ang export nating mga OFW ang maipagmamalaki nating kalakal sa ekonomiyang pandaigdig.
“Nakalimutan niyo na ba ng Tinamaan ang buong daigdig ng pagbagsak ng ekonomiya?
“Ang Inangbayan at ang mga nandito sa Pilipinas ay hindi naapektuhan sa pagtumbling ng mga bansa sa world economy sapagkat walang naging patid pa rin ang pagpasok ng mga dolyar galing sa mga bayaning OFW sa buong mundo.
“Bilyon-bilyon dolyares ang ipinapasok ng mga masisipag na Pilipinong ito. Dearest countrymen. They deserve our silence and prayers. Ang hindi pagtigil ng mga Japanese rescuers sa paghahanap sa kanila ang ating pag asa.
“Magsama-sama tayong makiusap sa Japan at sa may ari ng shipping na ito. Dont leave our heroes behind,” mahabang caption ni Robin sa kanyang post.
Samantala, naglabas din ng analytic record ng mga natanggap na remittances nitong 2019 base sa nabasa naming report.
“From January-November 2019 remittances reached $30.25 billion, up 4.1 percent from $29.06 billion during the same period in 2018.
“The central bank said OFWs with contracts of at least one year sent home $23.1 billion. Meanwhile, seafarers as well as Filipinos with short-term work arrangements remitted $6.5 billion as of end-November.”
Maraming tumugon sa post na ito ni Robin at pinasalamatan siya sa pagbibigay halaga nito sa kababayan nating OFW at sa mga kaligtasan nila.