Mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, 269,407 na

Mahigit 3,000 ang naitalang bagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (September 15), umabot na sa 269,407 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 57,392 ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 3,544 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

87.9 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 8.0 porsyento ang asymptomatic; 1.2 porsyento ang severe habang 2.9 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 34 ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 4,663 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 395 naman ang gumaling pa sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 207,352 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...