Parusa ni Vice: Hashtag Zeus kinunan ang pwet sa live episode ng Showtime

 

WALANG takot na nagpakita ng kanyang pwet ang Hashtags member na si Zeus Collins sa madlang pipol.

Nangyari ito sa nakaraang episode ng Kapamilya noontime program na It’s Showtime sa pinag-uusapang segment na “Mas Testing.”

Dito, pinarurusahan at binibigyan ng  “fun-ishment” ni Vice Ganda ang mga celebrity contestant na magkakamali sa bawat tanong na kailangan nilang sagutin.

At dahil nga mali ang sagot ni Zeus sa tanong kung sino kina Wacky Kiray at Negi ang may malaking tattoo sa pusod ay kailangan niyang gawin ang parusa sa kanya.

Ang “fun-ishment” ni Vice sa hunk actor-dancer ay kunan ng litrato ang kanyang puwet at i-post sa Instagram.

Hirit ni Vice, “Eto ang iyong huling fun-ishment, Zeus, pumunta sa CR, piktyuran ang puwet at i-post sa IG.” Na sinagot ng binata ng, “Totoo ba ‘yan?”

Walang nagawa si Zeus kundi gawin ang parusa kesa gupitan ng Mohawk style ang kanyang buhok. Bigla siyang lumabas ng studio at dumiretso sa isang kuwarto kung saan nga siya nag-butt selfie.

Ang hindi niya alam, nakikita siya ng mga hosts ng programa na sina Vice, Vhong Navarro, Negi, Kiray at Karylle sa monitor dahil kinukunan siya ng isang cameraman.

Hiyaw ni Vice Ganda, “Si Karylle, nasa harapan ng monitor! Na-violate si Karylle, nakaharap siya sa monitor, tumalikod siya talaga.”

Chika naman ni Vhong, “Kitang-kita ni Karylle, kita ulo ng bata. Baliw itong si Zeus, o.”

After kunan ang kanyang pwet, bumalik si Zeus sa studio at ipinakita ang litrato na agad-agad din niyang ipinost sa Instagram kung saan kitang-kita nga ang kanyang butt.

In fairness, libu-libo agad ang likes at comments na nakuha ng IG post ni Zeus at biglang taas din ang bilang ng followers niya.

Maraming naaliw at natuwa sa paandar na yon ng Showtime pero may mga na-turn off din lalo na ang mga moralista na nagsabing hindi maganda sa panlasa ng manonood ang ginawa nina Vice.

Ilang viewers din ang nagsabi na hindi naman kailangan ng mga ganu’ng eksena sa isang noontime show para panoorin ng mga tao.

Kahit katuwaan lang daw ang nangyari, mahalay pa ring makapanood ng isang lalaking nagpapakita ng pwet sa isang TV show na maraming batang nakakapanood.

Ilang netizens naman ang nagtanggol sa Showtime at nagkomento na wala silang nakikitang kabastusan o kahalayan sa ginawa ni Zeus kaya huwag daw masyadong magmalinis ang mga nangnenega sa programa.

Read more...