Halikan nina Elijah Canlas at Kokoy de Santos sa gay series na ‘Game Boys’ natuloy na

 

“FOR production pa, target namin matapos before end of the year.”

Yan ang sabi sa amin ng IdeaFirst Company producer ng digital series na “Game Boys” na si Direk Perci Intalan sa tanong namin kung kailan sisimulan ang Season 2 nito.

Nagtapos ang 13 episodes ng gay series na “Game Boys” nina Elijah Canlas at Kokoy de Santos nitong Linggo, Set. 13 na may titulong “Crossing the Line”.

Finally ay naglapat na ang mga labi nina Cairo at Gavreel (karakter nina Elijah at Kokoy) sa kuwento at isang linggo silang nagsama sa condo unit na pag-aari ng pamilya ng una.

Pagkatapos ng isang linggong pagsasama nila ay muli silang maghihiwalay dahil kailangan samahan ng una ang pamilya niya para makapagsimula muli pagkatapos iwan ng kanilang ama.

At dito na nga sisimulan ang kuwento ng season 2 na ayaw pa ikuwento ni direk Perci para abangan ulit ng lahat.

Samantala, sa pagtatapos ng “Game Boys” ay ipinakita na si Adrianna So bilang si Pearl na magkakaroon ng sariling series na “Pearl Next Door” na Girls Love o GL naman ang kuwento.

Kailan ito ipalalabas? “Hopefully umabot ng September,” say ni direk Perci.

Kung tama ang tanda namin ay magiging pangatlong karakter na ni Adrianna ang “Pearl Next Door” bilang lesbian. Una ay sa pelikula nila ni Therese Malvar na “Distance” na naging entry sa 2018 Cinemalaya Film Festival, ikalawa ay sa iWant original series na “I AM U” na lihim na may gusto kay Julia Barretto.

At heto pa, inamin din ni Adrianna na girl crush niya si 2018 Miss Universe Catriona Gray. Hmmmm, hindi nga kaya “fluid” (read: kering makipagrelasyon sa kapwa babae) din ang alaga nina direk Perci at direk Jun Lana?

Read more...