FIVE months na palang buntis ang dating beauty queen na si Nicole Donesa sa first baby nila ng Kapuso actor na si Mark Herras.
Ito ang masayang ibinalita ng engaged couple sa kanilang latest vlog sa YouTube.
Ayon kay Mark, nagdesisyon silang huwag munang ibandera ang good news sa publiko dahil sa sensitibong pagbubuntis ni Nicole.
“During this time, it’s nice to keep things private muna especially during the very sensitive stages sa akin. First trimester for me, for the both of us actually, was really hard,” lahad ng Kapuso actress.
Pero nagpapasalamat si Nicole dahil hindi siya pinababayaan ni Mark, “I’m also really proud of this guy. He’s been doing everything he can to prepare to be the dad he’s gonna be.”
Regular na bumibisita ang Kapuso couple sa doktor sa isang private clinic para sa check-up simula pa noong June.
Kuwento pa ni Mark, “Since day one, up to now, ako po yung pinaglilihian ni Ico (tawag niya kay Nicole). So wag kayo magulat kapag lumabas yung anak namin and ako yung kamukha.”
Sa ngayon daw Corky muna ang itatawag nila sa kanilang baby, “Corky muna yung pangalan ni baby because hindi pa namin alam kung boy or girl.
“Yung C-O is from me, Ico. Yung R-K is from Mark. And then yung Y, from baby, so Corky,” pahayag ni Nicole.
Samantala, may mensahe naman si Mark sa mga bashers nila ni Nicole, “‘Wag n’yo kaming gagawan ng isyu or ‘wag kayong magsasabi o magsasalita ng kahit anong negative about me and Nicole or our baby kasi papatulan ko kayo. I’m sorry to say, ah.”
“I’m sure maraming susuporta sa atin basta sa mga bashers, beware. Remember, bad boy ako,” banta pa ng Kapuso actor-dancer.
Kasabay nito, ipinagdiinan din ni Mark na hindi niya pakakasalan si Nicole dahil buntis na ito, “Ico is five months pregnant now pero hindi ‘yun ‘yung reason kung bakit kami magpapakasal, okay. Nilinaw ko na sa mga mamba-bash diyan.
“Unang plano namin is magpa-civil wedding muna but, ‘yun nga, dahil nagka-COVID so maraming nagsara.
“May mga requirements from the embassy na kailangan for Ico, e, kasi dual citizen siya. Alam n’yo naman, galing Amerika. Tapos pangalawa, ‘yung daddy ni Ico is nasa Amerika.”
Hirit naman ni Nicole, “Actually, a lot of important family members aren’t here. All my cousins, dad, Donesas’s side, Rajo’s side, siyempre, they have to be here for the big day.”