Heaven Peralejo umalma sa P100K ‘ayuda’ mula sa pamilya Pacquiao: Wala akong hinihingan ng pera

 

PINALAGAN ng young actress na si  Heaven Peralejo ang tsismis na nanghingi siya ng “ayuda” mula sa pamilya ng kanyang ex-boyfriend na si Jimuel Pacquiao.

Nagdesisyon nang magsalita ang dalaga tungkol dito dahil na rin sa kaliwa’t kanang pamba-bash sa kanya ng mga netizens.

Nagsimula ito sa Instagram post ng entertainment columnist at talent manager na si Lolit Solis tungkol sa blind item na nagsasabing nanghingi umano si Heaven ng P100,000 mula sa pamilya Pacquiao.

“Masyadong na-bother si Mama Jinkee (Pacquiao) dahil sa negative reaction ng iba sa ibinigay niyang tulong na 100K kay Heaven kaya gusto niya na alisin ko ang post ko tungkol dito. Never ako nagbura ng post kasi nga pinapanindigan ko ang bawat sabihin ko,” bahagi ng IG post ng talent manager.

Aniya pa, “Wala naman masama humingi ng tulong, lalong maganda naman iyon gesture na nagbigay tulong ka. Siguro nga kaya lang naging negative dahil narin sa pagpapakita ni Heaven sa social media ng kanyang lifestyle, iyon ang naging reaction ng mga tao.”

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram page, mariing pinabulaanan ni Heaven ang chika. Aniya, “The past few weeks have redefined the public’s impression of me. It was hurtful and I needed some time to think it through.

“I’ll get straight to the point. I didn’t ask anyone for money. I am beyond grateful that I am blessed with opportunities to earn an honest living.

“Whatever I have now is a product of my hard work and not extracted from anyone’s pockets,” depensa pa ng dalaga.

Pinasalamatan din niya ang pamilya Pacquiao sa pagtatanggol sa kanya sa isyung ito, “Thank you to Jim and his family. I appreciate your efforts to stand with me.

“As well as to my family, friends, and supporters, thank you for always looking after me. I hope we can all move forward from this issue,” sabi pa ni Heaven.

Narito naman ang ginawang pagdepensa ng anak nina Sen. Manny at Jinkee Pacquiao na si Jimuel kay Heaven, “I would like to clarify that the issue posted about Heaven is false. There was no money given and there was no communication.

“We keep getting involved in these issues and I just want to clear things up. She is not the type of girl and we are in good terms so no need for all the bashing,” pahayag pa ni Jimuel.

Read more...