Aparri, Cagayan nakapagtala ng kauna-unahang kaso ng COVID-19

Kinumpirma ni Cagayan Valley Medical Center Chief (CVMC) Dr. Glenn Matthew Baggao na nakapagtala na ng kauna-unahang kaso ng COVID-19 ang Aparri, Cagayan.

Ayon kay Baggao, isang senior citizen at Locally Stranded Individual (LSI) mula sa Metro Manila ang 77 taong gulang na lola na nagpositibo sa sakit.

Residente sya ng Tallungan, Aparri, Cagayan.

Noong buwan ng Agosto, nagtungo sa Quezon City ang pasyente para sa kaniyang medical check up sa Providence Hospital sanhi ng nararamdamang pneumonia.

Makaraan ng ilang araw ay lumabas ito ng ospital at umuwi sa Aparri.

Makalipas ang isang linggo ay nagkaroon ng ubo at pananakit ng dibdib ang lola kaya’t dinala ito ito sa Lyceum of Aparri at kalaunan ay inilipat siya sa CVMC.

Ang pasyente ay mayroong ding heart disease, hypertension at diabetes.

Read more...