SINUPALPAL ni Ogie Diaz si Quezon City 5th District Rep. Alfred Vargas dahil sa kanyang panukala na nag-e-encourage sa mga foreigners na mag-shooting sa Pilipinas ng kanilang movie.
“Nako, Alfred Vargas! Totoo bang mahal mo ang industriya mo? Di ko gets logic mo,” tweet ni Ogie sabay post ng isang article about Alfred.
“Nag-abstain ka sa botohan ng prangkisa ng (ABS-CBN), tapos nakikipaglaban ka ngayon para sa mga filmmakers na karamihan diyan, nagwo-work sa TV industry?” dagdag pa niya.
Sa kanyang recent privilege speech ay sinabi ni Alfred na hindi natuloy ang dapat sana’y shooting ng “Mission Impossible” movie ni Tom Cruise sa Pilipinas.
“According to reports, producers of ‘Mission Impossible’ took interest in shooting in the Philippines sometime in 2019. This, however, did not push through, and the crew instead went to Thailand to shoot,” say ni Alfred as reported by a broadsheet.
“Bakit nga ba hirap tayong mahikayat ang mga banyaga na gumawa ng pelikula sa Pilipinas? Mayaman naman tayo sa magagandang tanawin. World-class ang beaches natin. Dagdag pa riyan, magaling mag-Ingles ang mga Pinoy. Hindi problema ang pakikipag-usap sa mga banyaga.”
“I believe, Mr. Speaker, that the problem lies in the lack of incentives for filmmakers. According to reports, one of the reasons why the ‘Mission Impossible’ team chose Thailand over the Philippines was due to its attractive incentives program, which includes tax rebates of up to 20 percent.
There’s an additional 2-percent discount if the film promotes Thai tourist spots,” sabi niya.
Sadly, na-bash si Aldred sa comment ng netizens.
“Balimbing rin cya, prang c cayetano na rin, ngaun pa cya naawa sa mga need ng vote sa abscbn hnd nea gngwa, mksarili lng tlga cya.”
“kung saan safe dun sila magpapa pogi, politiko ang tawag dyan.”
“Hypocrisy at its best! Pwe.”
But this one said it all, “Vargas: “Bakit nga ba hirap tayong mahikayat ang mga banyaga na gumawa ng pelikula sa Pilipinas?” My Opinion: “dahil sa mga kawatang mahilig sa lagay, sobrang traffic at hassle sa pag kuha ng mga permit.”
* * *
Nakakabilib talaga ang ABS-CBN. Kaliwa’t kanan ang launching ng mga bagong palabas sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, YouTube, Facebook, Kumu at iba pang digital channels.
Buhay na buhay ang industriya ng entertainment dahil sa ABS-CBN kahit pa nawalan ito ng prangkisa at nabawasan ng libo-libong manggagawa.
Bukod tanging ABS-CBN din ang nagpapalabas ng bagong episodes ng mga teleserye gaya ng “FPJ Ang Probinsiyano,” “A Soldier’s Heart,” at ang pinag-uusapang “Loive Thy Woman.”
Bongga rin ang launch ng “Ang Sa Yo ay Akin” at talbog ang mga eksena nina Jodi Sta. Maria, Iza Calzado at Marciel Soriano.
Excited ang mga tao sa bagong teleserye na handog ng ABS-CBN, ang “Walang Hanggang Paalam” na pagbibidahan nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo.
What’s ironic is that kung sino pa ang nawalan ng prangkisa at napilitang magbawas ng manggagawa ay siyang istasyon na mas maraming mga bagong palabas.
Unlike GMA na puro replays ng teleseryes pa rin ang palabas nila, ang ABS-CBN ay gumagawa ng paraan para makapaghandog ng new episodes dahil bagot na ang mga tao sa replays.
Incidentally, maugong ang TV5 ngayon dahil sa ilang mga bagong palabas at napipintong paglipat ng ilang stars. But take note, blocktimers o ibang kumpanya ang gumagawa ng mga programa at ipainapalabas lang sa TV5. Hindi sila gaya ng ABS-CBN na gumagawa mismo ng mga produksyon.
Hindi rin madamot ang ABS-CBN dahil kahit wala na itong kinikita, nagpapamudmod pa rin ito ng cash prizes. Kahit nga may pandemic, hindi pa rin napigilan ang grand finals ng “The Voice Teens,” at apat na winners ang itinanghal.
Ang “It’s Showtime” naman, live din ang airing araw-araw, kaya tuloy-tuloy ang mga papremyo nito sa “Tawag ng Tanghalan.
Oh ‘di ba, talagang in the service of the Filipino ang ginagawa ng Dos. Kahit agrabyado sila ngayon, nasa isip pa rin ng ABS-CBN na makapaghandog ng mga kalidad na palabas at makapag-abot ng tulong sa mga Pilipino.