540 pulis sa Central Visayas, gumaling na sa COVID-19

Gumaling na sa COVID-19 ang 540 na pulis sa Central Visayas na tinamaan ng virus.

Ayon kay Brigadier Gen. Albert Ferro, magandang balita ito at nagtagumpay ang mga pulis na malagpasan ang panibagong hamon sa buhay.

Dahil magaling na sa COVID-19, balik-trabaho na ang mga pulis.

Ayon kay Ferro, ipagpapatuloy ng mga pulis ang pagpapatupad sa mahigpit na quarantine protocols.

Matatandaang isa ang Cebu sa nakapagtala ng may mataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Read more...