PARA maipagpatuloy nang ligtas ang ginagawang pagtulong sa mga kababayan nating naapektuhan ng pandemya, nagpa-swab test na rin si Miss Universe 2018 Catriona Gray.
Nais din ng Filipina beauty queen na maging example sa lahat ng kanyang fans at mga tagasuporta sa ginawa niyang pagpapa-COVID-19 test.
Sa kanyang Instagram page, ibinahagi ng dalaga ang kanyang mga behind-the-scenes photos habang nakapila at naghihintay na tawagin ang kanyang pangalan sa testing center ng Philippine Red Cross.
Aniya sa caption, “Completed another swab test at @philredcross and it’s empowering knowing that I’m equipped with the knowledge about my status as I continue to be busy with work and different projects.”
Diin ng dalaga, ang pagpapa-test niya sa PRC ay hindi lamang para sa kanyang sariling kapakanan, “I get tested not just to take care of myself, but to also take care of my family, friends, work colleagues, and of our community.”
Dagdag pa niyang mensahe, “The @philredcross is at the forefront of COVID-19 testing with molecular laboratories all over the country.
“The need to test, trace, and treat is essential in order to flatten the curve,” aniya pa.
Kamakailan, ibinalita rin ni Catriona na mahigit P1 million ang nalikom na donasyon ng protekto nilang “Mask4AllPH,” na bahagi pa rin ng “Bayanihan Musikahan” coalition na tuluy-tuloy ang pagbibigay ng ayuda sa mga mahihirap nating kababayan.
“#Mask4AllPH, Thanks to your support, our ongoing initiative to provide both livelihood and free masks for the vulnerable sectors of our community has raised over Php1.15M and we have been able to pay wages to our 71 women seamstresses and produce more than 19,000 face masks.
“But we still need your support to continue to broaden our reach and help provide more jobs and free face masks to the community!
“Please visit www.mask4allPH.com for more info and also info on how to donate! Thank you!!! Stay Safe!!” ani Catriona.