Carlo Aquino tatay na: I’ll always be the one lucky one!

 

ISINILANG na ang panganay na anak ng Kapamilya singer-actor na si Carlo Aquino.

Marami ang nagulat sa Instagram post ng aktor kung saan ibinandera nga niya ang bagong silang na baby nila ng kanyang girlfriend na si Trina Candaza.

Pinangalanan nila ang bata ng Enola Mithi Aquino. Hindi buong mukha ng sanggol ang ibinahagi ni Carlo sa madlang pipol ngunit kitang-kita ang kakyutan ng bata sa nasabing litrato.

Ginamit din ng award-winning actor ang lyrics sa hit song ni Rico Blanco na “Your Universe” sa kanyang caption.

“You can thank your stars all you want but I’ll always be the one lucky one,” mensahe ni Carlo.

Siguradong itinuturing ni Carlo ang pagdating ni Baby Enola na best birthday gift niya ngayong taon. He just celebrated his 35th birthday last Sept. 3.

Bumuhos naman sa social media accounts ng aktor ang pagbati ng mga celebrities sa kanila ni Trina, kabilang na riyan ang mag-inang Sylvia Sanchez at Ria Atayde, Ejay Falcon, Zanjoe Marudo, Rodjun Cruz, Rhea Tan, Sue Ramirez, Rocco Nacino, Gladys Reyes at marami pang iba.

Sa isang panayam, sinabi ni Carlo na handa na niyang pakasalan si Trina kasabay ng pag-amin na mula raw nang maging magkarelasyon sila, napakaraming nagbago sa mga pananaw niya sa buhay.

Nakikita na raw niya ang sarili na kasama si Trina sa kanyang buhay nang mahabang-mahabang panahon.

“Siyempre oo,kasi nasa tamang edad na ako e, 34 na ako, e. Titingnan natin sa mga susunod na buwan, taon,” ang chika ni Carlo nang matanong sa planong pagpapakasal.

“Nag-iba ‘yung outlook sa buhay, mas magaan, mas happy, wala naman siguro sa tagal ‘yun,” pag-amin pa niya.

Read more...