1,159 dagdag na jeepney sa 28 na ruta, pinayagan na ring pumasada

Handa na sa pagpasada ang jeepney na ito na kasapi ng Villamor Airbase Jeepney Operators and Drivers Association. (Marianne Bermudez/Inquirer)

Dagdag pang 1,159 na pampasaherong jeepney ang pinayagan na rin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pumasada mula sa Lunes.

Sa pahayag na inilabas ngayong Sabado, sinabi ng LTFRB na ang mga jeepney na ito ay babyahe sa 28 ruta sa Metro Manila.

Sa bisa ng Memorandum Circular 2020-046, ang mga sumusunod na ruta ay muling bubuksan para sa mga jeepney:

Maaaring mag-operate ang mga roadworthy traditional PUJs na mayroong valid Personal Passenger Insurance Policy sa mga rutang ito ng walang special permit. Kapalit ng special permit ay ang QR Code na ibibigay sa bawat operator bago pumasada.

Ang QR Code ay dapat naka-print sa short bond paper at naka-display sa PUJ unit. Maaari i-download ang QR Code mula sa website ng LTFRB (www.ltfrb.gov.ph) simula ngayong Linggo, Setyembre 13.

Pinapaalala naman ng ahensya na walang taas-pasahe na ipatutupad maliban na lang kung opisyal na inilahad at inaprubahan ng LTFRB.

Kabilang din sa mga requirements para mag-operate ang traditional PUJs ay ang pagsunod sa safety measures alinsunod sa mga alintuntunin ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases, tulad ng pagsusuri sa body temperature, pagsusuot ng face mask/shield at gloves sa lahat ng oras, at ang mahigpit na pagpapatupad ng physical distancing sa loob ng mga sasakyan.

Samantala, narito ang kabuuang bilang ng mga public utility vehicles na pinayagang mag-operate ng LTFRB sa Metro Manila simula ika-1 ng Hunyo:

Traditional public utility jeepney (PUJ)

Public utility bus (PUB)

Point-to-point bus  (P2P)

UV Express

Taxi

Transport network vehicles services (TNVS)

Read more...