Dahil sa mahinang signal para sa online class, lolo ginawan ng mini-classroom ang apo sa taas ng puno

Contributed photo ni Immae Lachica via Cebu Daily News

Kilala nyo ba si Super Lolo?

Sa Guimaras, ang mahirap na signal ng cellular phone ay matagal nang suliranin lalupa sa mga liblib na bahagi ng isla. At para sa mga mag-aaral na nagbabalik-eskwela na–online eskwela–ito ay isang malaking problema.

Kabilang si Jennylyn Mae Casipit, 17, sa mga estudyanteng ang tahanan ay di biniyayaan ng malakas na cellphone signal.

Pero para sa kanyang 72-anyos na lolo, si Florentino “Tino” Bernadas, hindi ito sapat na dahilan para isuko ang edukasyon ng kanyang pinakamamahal na apo.

Laki sa lolo at lola si Jennylyn dahil ang kanyang mga magulang ay kapwa nagtatrabaho sa ibang bansa.

Isang improvised na silid-aralan ang itinayo ni Lolo Tino para kay Jennylyn, na ngayon ay nasa 12th grade.

At para solusyonan ang problema ng signal, ang kanyang classroom ay ginawa ni lolo sa itaas ng isang puno, kung saan malakas ang sagap ng signal ng mobile phone.

Kaya naman ngayon, hindi na problema ni Jennylyn ang kanyang oline class na bunga ng suspensyon ng face-to-face na pag-aaral dahil na rin sa nakamamatay na Covid-19.

Salamat, “Super Lolo!”

Contributed photo ni Immae Lachica via Cebu Daily News

Read more...