Personal na nagtungo ang dalawang Kapamilya youngstars sa isang tanggapan ng gobyerno sa Quezon City para magparehistro.
Ito’y para magamit na nila ang kanilang karapatan na bumoto sa susunod na halalan at makapili ng karapat-dapat na mga bagong leader ng bansa.
Ibinahagi ng kapwa nila Kapamilya na si Robi Domingo sa kanyang social media accounts ang ilang litrato nina Maymay at Edward habang nagpaparehistro.
Caption ni Robi sa kanyang post “Dati sila ang binoboto niyo sa PBB. Ngayon sila naman ang boboto para sa kinabukasan. Ikaw, nakapag-register ka na ba?”
Sa kanya namang sariling Instagram page, nag-post din ang binata ng picture nila ni Maymay kasabay ng panawagan sa lahat ng kabataang Filipino na magpa-register na rin at makaboto para sa kinabukasan ng bansa.
“Registered to vote @iamrobidomingo @maymay. Make sure you do too! Let’s change the course of our nation and write OUR OWN history. #WeTheYouth #40MStrong,” ang mensahe ni Edward.
Nag-resume ang voter registration noong Sept. 1 at tatagal hanggang Sept. 30, 2021.
Kung matatandaan, hinikayat din ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang publiko na magparehistro na para sa 2022 presidential elections.
“Tuwing nagbabasa ako ng balita, palagi nalang palala ng palala yung mga nababasa ko. Ngayon ito naman? Hay … Eto nalang, let’s all make sure we register to vote for the next elections. Each one of us,” tweet ni Pia.
Pahayag pa ng dalaga, “Useful information! Please lahat tayo dapat mag register na maging voter. Bawat isa sa atin.
“Hindi na sapat na sa social media lang tayo naririnig. Our voices need to be heard through our votes. #MasMaramiTayo #MagparehistroKa,” aniya pa.