Ex-PBB housemate Fumiya Sankai sa lahat ng fans, YT subscribers: Bye-bye YouTube!

DAHIL sa bagong itinayong negosyo ni Fumiya Sankai sa Japan kung saan siya nakatira ay iiwan na niya ang kanyang FumiShunBase YouTube channel na may 2.08 million subscribers.

Si Fumiya Sankai ay ang Japanese housemate sa Pinoy Big Brother Otso na naging kaibigan at katambal ni Yamyam Gucong na naging Big Winner noong 2019.
Package deal silang dalawa kaya lagi silang magkasama sa lahat ng projects.

Magkakaroon na kasi ng sariling clothing at perfume brand si Fumiya at kailangan niyang mag-concentrate rito.

“Because I’m preparing for my clothing brand and perfume brand and I will announce it coming soon. Pero may sobrang big announcement pa sa inyo guys, pero ngayon, I can’t say anything kaya now I want to focus sa other thing muna,” ani Fumiya.

Ang titulo ng post na bagong vlog ni Fumiya ay, “Bye Bye You Tube.”

Bago pa pumutok ang COVID-19 ay bumalik na ng Japan si Fumiya para magpagamot sa kasagsagan ng shooting ng pelikulang “Mang Kepweng 2” at ang regular sitcom na “Home Sweetie Home.”

Pero dahil hindi na-renew ang prangkisa ng ABS-CBN at tuluyan na itong nagsara kaya hindi na rin nakabalik ng bansa si Fumiya.

Ang paliwanag niya sa kanyang vlog, “Thanks so much for always supporting me and I have some announcement, bye bye youtube di ba? Kasi I will have konting break, major break.”

Walang binanggit kung ilang linggo at buwan magiging aktibo ulit si Fumiya sa YouTube channel niya.

“Doing other things and editing is very mahirap that’s why I need Filipino editor,” natawa nitong sabi.

Pero kahit nagbabu na siya sa YT ay magiging aktibo naman daw siya sa Instagram account niya.

“Youtube channel is rest but Instagram, I will post everyday and will upload videos, so please check.”

Bagama’t nalulungkot ang subscribers ni Fumiya ay naiintindihan siya ng mga ito at pinayuhang mag-rest nga at sana nga’y bumalik din siya soon.

Read more...