Cataingan, Masbate niyanig ng magnitude 3.9 na lindol

 

 

Niyanig ng magnitude 3.9 na lindol ang lalawigan ng Masbate.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 14 kilometers southeast ng bayan ng Cataingan, alas-8:27 umaga ng Huwebes (September 10).

May lalim na pitong kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Walang naiulat na nasaktan o nasirang mga ari-arian bunsod ng pagyanig.

Ang lindol ay aftershock ng magnitude 6.6 na pagyanig sa Cataingan, Masbate noong Agosto 18.

Read more...