Pia nagmakaawa sa publiko: Register and vote, hindi sapat na sa socmed lang tayo naririnig

BAD trip din ang beauty queen actress na si Pia Wurtzbach sa naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaso ni US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.

Binigyan ng absolute pardon ng Presidente si Pemberton matapos itong makulong nang ilang taon dahil sa pagpatay sa transgender na si Jennifer Laude noong 2014.

Sa kanyang Twitter, muling ibinandera ng 2015 Miss Universe ang pagsuporta at pakikipaglaban niya sa mga karapatan ng LGBTQ+ community gamit ang hashtag  #TransLivesMatter.

Dahil dito, nanawagan si Pia sa madlang pipol na magparehistro para makaboto at makapili ng mga susunod na lider ng bansa sa 2022 national elections

“Tuwing nagbabasa ako ng balita, palagi nalang palala ng palala yung mga nababasa ko. Ngayon ito naman? Hay … Eto nalang, let’s all make sure we register to vote for the next elections. Each one of us,” tweet ni Pia.

Pahayag  pa ng dalaga, “Useful information! Please lahat tayo dapat mag register na maging voter. Bawat isa sa atin.

“Hindi na sapat na sa social media lang tayo naririnig. Our voices need to be heard through our votes. #MasMaramiTayo #MagparehistroKa,” aniya pa.

Sa isa pa niyang post, muling ipinagdiinan ng aktres ang kahalagahan ng pagpaparehistro para makaboto.

“I will continue reminding everyone to register to vote. Dahil sigurado, maraming magpapabukas nito until the last minute. No more excuses (even for me) lahat tayo dapat registered na.

“Hindi enough na sa social media lang tayo naririnig. #MasMaramiTayo #MagparehistroKa #40MStrong,” aniya pa.

Pagpapatuloy pa niya, “Okay. Signing off for tonight. Baka ma-carried away pa ko sa mga susunod kong sasabihin… pero yun na.

“I know I don’t use twitter much and I probably don’t have a lot of active followers here anymore. But pls. for those who can read this. Please mag register tayo ha?#MasMaramiTayo.”

Read more...