HANDA nang humarap sa mga bagong hamon ng buhay ang young singer-actress na si Kyline Alcantara.
Ngayong 18 years old na ang tinaguriang Kapuso Breakout Star, inamin niyang ready na siyang tumanggap ng “mature” at “challenging” roles.
Aniya, “I will accept more ‘mature’ or like ‘challenging roles’ because people will expect more from me. So that’s a challenge for me and I like challenges.”
“Feeling ko naman as an artista we need to evolve, we need to level up. So, yeah. I think I’m ready to mature but not in a very sexual way,” dagdag pa ng dalaga.
Hiling din ni Kyline para sa kanyang kaarawan ay mas dumami pa ang kanyang “Sunflowers,” ang tawag sa kanyang fans.
“Gusto ko mas dumami ‘yung Sunflowers ko. And mas magkaroon ng maraming blessings sa career, of course.
“With my family, maging safe po, mas humaba pa po ‘yung buhay nating lahat, mawala na po ang COVID para makapagtrabaho na po,” lahad pa ng Kapuso star.
Habang hindi pa nagbabalik-telebisyon ang seryeng “Bilangin ang Bituin sa Langit,” napapanood muna si Kyline sa “All-Out Sundays” tuwing Linggo at sa rerun ng “Kambal, Karibal” sa GMA Telebabad.
* * *
May bagong Kapuso hunk na dapat abangan sa GMA Artist Center.
Siya ay ang volleyball superstar na si John Vic de Guzman. Kilala bilang Face of Philippine Volleyball, ibinahagi ni John ang saya sa pagiging ganap na Kapuso.
“Sobrang excited, saka hindi ako makapaniwala. Siyempre, isa itong achievement sa life ko, bago mag-retire sa volleyball.
“Sobrang happy ako dahil magkakaroon ako ng chance na ma-improve pa ‘yung acting skills ko at maipakita na ‘yung talent ko not just for sports,” pahayag ng celebrity athlete.
Bukod sa pagiging atleta, isa ring host at sports analyst si John Vic.
Willing din daw siyang subukan ang iba’t ibang roles upang mapalawak ang kanyang kaalaman at karanasan sa pag-arte.
Kuwento niya, “For me, anything na puwede ibigay sa akin na role tatanggapin ko. Lahat naman ‘yan, part ng process.
“Kumbaga kahit sa volleyball kailangan mag-training ka, mag-workshop ka. So, kung ano man ‘yung maibigay sa akin, bibigyan naman ako ng time para mapag-aralan ‘yung mga dapat kong gawin,” chika pa ng binata.