Movie producer na si Manay Ichu Maceda pumanaw na; showbiz industry nagluluksa

IPINAGLULUKSA ngayon ng industriya ng showbiz ang pagkawala ng isa sa pillars ng Philippine movies na si Ms. Maria Azucena Vera-Perez Maceda o mas kilala bilang Manay Ichu.

Binawian siya ng buhay ngayong umaga, Set. 7. Siya ay 77 years old.

Bahagi si Manay Ichu sa pagkakaroon ng Movie Workers Welfare Foundation (Mowelfund), The Metro Manila Film Festival (MMFF), Film Academy of the Philippines (FAP), Philippine Motion Pictures Producers Association (PMPPA) Experimental Cinema of the Philippines (ECP) at Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Technically ay sa showbiz industry lumaki si Manay Marichu dahil ang pamilya niya ang may-ari ng pinakauna at malaking film company sa Pilipinas, ang Sampaguita Pictures (1937).

Dito nakilala sina Elsa Oria, Rogelio dela Rosa, Carmen Rosales, Tita Duran, Angel Esmeralda, Corazon Noble, Pancho Magalona, Gloria Romero, Cesar Ramirez, Rita Gomez, Ric Rodrigo, Lolita Rodriguez, Eddie Arenas, Amalia Fuentes, Romeo Vasquez, Susan Roces, Luis Gonzales, Nora Aunor at Tirso Cruz III.

Samantala, tumigil naman na sa paggawa ng pelikula ang Sampaguita Pictures noong 2005. Si Manay Ichu ang producer ng mga classic movies na “Dyesebel” at “Batch 81.”

Isa rin sa nagluluksa ang itinuring na anak ni Manay Ichu na si Lipa City Congw. si Vilma Santos-Recto na sabi nga niya ay ikalawang ina niya.

Post ng actress-politician sa kanyang Facebook page, “Rest in Peach Manay Ichu. I Love You Very Much.”

Naglabas naman ng official statement ang pamilya ni Manay Ichu tungkol sa kanyang pagpanaw.

“With great sadness, the Maceda Family announces the passing of our beloved Mother, Maria Azucena “Marichu” Vera-Perez Maceda.

“She succumbed to cardio respiratory failure on September 7, 2020. In lieu of flowers, donations may be made in her honor to MOWELFUND. We will honor her with a mass at 6:00 pm tonight in Arlington chapel A and cremate immediately.

“She will be inurned at Sampaguita chapel beginning tom 1:00-8:00 pm ‘til we finalize,” ang buong official statement mula sa Vera Perez/Maceda Family.

Naulila niya ang mga anak na sina Emmanuel, Ernesto Jr., Erwin, Edmond, at Edward Maceda

Ang aming pakikiramay sa mga naulila ni Manay Marichu Maceda mula sa BANDERA.

Read more...