Promise ni Sharon sa BNT: Nawala man si Kuya Lloyd, nandito pa ako para gabayan kayong lahat

 

MAY binitiwang pangako si Megastar Sharon Cuneta sa kanyang namayapang anak-anakan at YouTuber na si Lloyd Cadena.

Sa ibinahagi niyang pa-tribute kay Lloyd, sinabi ng singer-actress na malalim talaga ang hugot niya sa biglaang pagpanaw ng sikat na vlogger.

Aniya, naging malapit si Sharon kay Lloyd dahil na rin sa LGBT group na BNT na nagsilbing inspirasyon niya sa buhay, lalo na noong mga panahong nalulungkot at nasasaktan siya.

“Sa mga taong nagmulat sa aking mga mata sa kasiyahan sa gitna ng kahirapan at iba pang struggles sa buhay…all of you and Lloyd humbled me more and inspired me, and you will continue to. Salamat, BNT. Mahal ko kayo,” bahagi ng mensahe ni Sharon.

Kaya naman ang promise niya kay Lloyd, patuloy niyang mamahalin at gagabayan ang BNT, “Nawala man si Kuya Lloyd niyo, nandito pa ako para gabayan kayong lahat. Mahal ko kayo.

“Huwag na huwag nyo kalimutan ang mga turo ng Kuya Lloyd niyo sa inyo para mapabuti at umasenso lahat ang mga buhay niyo. God bless all of you. Pakialagaan si Mother Kween mga anak. Mahigpit na yakap to her from me, at sa inyong lahat,” aniya pa.

Isa si Mega sa mga taong unang-unang nagpahayag ng pagkabigla at pakikiramay sa biglaang pagkawala ni Lloyd.

Agad siyang nagbahagi ng mahabang mensahe sa Instagram para sa kanyang anak-anakan.

“Imagine my shock when on my IG feed, popped out the news about Lloyd Cadena’s unexpected passing! Lloyd was one of my ‘anak-anakans.’ Hinihintay ko pang sabihin mo sa akin Lloyd anak kung ano ang gusto mong gift ko sa ‘yo sa bagong bahay mo. Ang tagal-tagal na nahihiya ka pa rin magsabi. Di ka na tuloy nabigyan ng gift nitong ‘Inay’ mo.

“Thank you Lloyd, sa magandang ehemplo mo sa mga kabataan at sa dami ng natulungan mo. Mamimiss ko ang pagtetextan natin. May COVID pa, di ba dapat ilalabas ko pa kayo ng BNT after tapos pala, iiwan mo kami ng maaga…Jusko nakakagulat naman. Thank you anak.

“Sabi ko sa ‘yo kaya ako natuwa sa ‘yo at napamahal ka sa akin ay dahil sa nataunan ko lang na vlog mong isa, napapanood ako ng madami at doon ko nakita ang pamumuhay nyo araw-araw?

“Tapos sobrang bilib ako sa ‘yo dahil sa pagmamahal at pagrespeto mo sa Mommy at Daddy mo. Sabi ko kaya ka bine-bless ni Lord ay kasi mabuti ka na ngang anak, blessing ka pa sa nakakarami.”

“I will miss you, Lloyd. Salamat sa sayang dinulot ng vlogs mo sa akin na lagi kong sinasabi sa ‘yo, lalo nung low na low si Inay at sobrang hurt at sad ako…Thank you also kasi dahil sa ‘yo, minahal ko rin ang BNT.

“Wala namang nakakaalam na magkatext tayo o kami nila Limuel at MG…pero hinding-hindi kita makakalimutan. At gusto ko malaman ng lahat ngayon na mahal kita anak.

“Madaming nagmamahal sa ‘yo at di ka rin makakalimutan. Sa BNT, nandito lang si Inay niyo ha kahit wala na ang Kuya Lloyd niyo…Rest in peace, dear Lloyd…sana ay madami pang tumulad sa pinakita mong kabutihan ng puso mo sa kapwa at sa magulang…I love you anak…I will really, really miss you,” pahayag pa ni Sharon.

Read more...