Sex is part of life, it’s about time we face the reality! — Dawn Chang

 

 

DAPAT lang na gawing mas komprehensibo ang pagtuturo ng “sex education” sa mga paaralan.

Ito ang paniniwala ng actress-dancer na si Dawn Chang matapos uminit ang usapin tungkol sa pahayag ng Commission on Higher Education sa pagkakaroon ng comprehensive sexuality education (CSE).

Pero ayon sa Ched, dapat daw ay ii-integrate o isasama na lang ito sa mga kasalukuyang asignatura sa mga kolehiyo at unibersidad.

Sa ilalim ng panukalang Senate Bill 1334, planong isama ang CSE sa education curriculum para maiwasan o makontrol ang teenage pregnancy sa bansa.

Ayon sa ulat, magiging bahagi ng curriculum ang pagtuturo sa epektibong paggamit ng mga contraceptive sa kabataan.

 

“It’s about time we face the reality. Sex is part of life,” ani Dawn Chang sa kanyang tweet.

“Teach young children how to protect themselves instead of telling them not to have sex at all,” diretsahan pa niyang mensahe.

 

May isang Twitter user naman ang nagkomento sa naging pahayag ng Kapamilya actress-dancer.

 

Anito, “OMG this is such a brave statement @thedawnchang , but yeah I agree, children will do it anyways whether restricted or not, so just teach them to be smart about it.”

Sagot naman ni Dawn sa kanya, “I’m sure every single one of us has a friend who got or got someone pregnant unexpectedly.

“Protection is way better than abortion and/or dreams being shattered because of unplanned pregnancy,” dugtong pa ni Dawn.

Pahabol pa niya, hindi lang naman ang pakikipagtalik ang nakapaloob sa mas comprehensive sex education.

 

“It is also discussing about proper hygiene and a lot more. Children must be taught so they grow up informed,” diin pa ni Dawn Chang.

Read more...