‘Technical incompetence’ ang nagpabagsak sa 96-taong pamamahala ng PECO–report

Ang pagbagsak ng Panay Electric Company (PECO) ay resulta ng “technical incompetence” nito na nagdulot ng madalas at matagalang power interruptions, ayon sa report ng Publishers Association of the Philippines Inc. (PAPI).

Resulta nito ay ang pagtamlay ng pamumuhunan na naging banta sa economic viability ng Iloilo City maliban pa sa perwisyong dulot nito sa mga karaniwang power consumers, ayon sa PAPI.

Sa ulat ay inisa-isa ng publishers association ang dahilan ng pagbagsak ng 96-taong pamamahala ng PECO at kung bakit inayawan  ito hindi lamang ng mga consumers kundi maging ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan na gumawa ng inisyatiba para hilingin sa Kongreso at Energy Regulatory Commission(ERC) na palitan ang kanilang power supplier.

“PECO, for much of its last years as the city’s electric power distribution utility, had become synonymous to the phrase ‘technical incompetence’ following years of unexplained and prolonged power interruptions that for a while had actually threatened the economic viability of Iloilo City turning off investors instead of attracting them,” ayon sa PAPI.

“So pervasive were the power outages, in fact, that there is no need to cite empirical data or find overwhelming consumer testimonies to show and prove that PECO’s service, at least in its last few years, was nothing but a complete mess,” dagdag nito.

Kabilang sa itinuturing na operational lapses ng PECO ang mga isyung tinukoy na rin ng  ERC katulad ng hindi maayos na protective devices, mapanganib na mga poste, overheating na substations, kawalan ng upgrade sa lumang distribution system sa maraming taon at panghuhula sa meter reading na nagresulta ng P631 million refund sa mga consumers.

Sa issue naman ng system loss na ibinabato ng PECO sa MORE, sinabi ng PAPI na lumilitaw na walang basehan ang akusasyon at sa halip ay sinisi ang PECO sa umano’y substandard na sistemang ginamit nito. Dahil sa pag-aayos aniya na isinasagawa ng bagong power supplier kaya nagkakaroon ng scheduled power interruption.

Binigyang puntos din ng PAPI ang suporta ng buong komunidad sa MORE Power na hindi umano nakita sa ilalim ng pamamahala ng PECO.

“Various sectors of the Iloilo City community express its full backing to MORE Power, with all of them saying the new power distributor is on the right track,” ayon pa sa report.

Ayon sa ilang business at church leaders sa Iloilo City, inaasahan nila ang pangako ng MORE Power na mas episyente nitong mapapatakbo ang power supply company.

“For me, from the standpoint of being a consumer myself, I can see very well that MORE Power’s amulet or charm is its being open to engage the public, and in informing and educating its consumers of what is going on,” pahayag ni Msgr Meliton Oso, head ng Jaro Archdiocese Social Action Center.

“I am really happy, and I believe it’s a better future we are looking forward to in terms of distribution services under MORE Power,” dagdag pa ni Oso.

 

Read more...