Boac, Marinduque niyanig ng lindol

Source: Phivolcs

Tumama ang magnitude 3.2 na lindol sa Marinduque, Linggo ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 29 kilometers Southwest ng Boac bandang 11:06 ng umaga.

14 kilometro ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Wala namang naidulot na pinsala sa Boac at iba pang karatig-bayan.

Sinabi rin ng Phivolcs na walang inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...