NAGSILBING “gamot” at “inspirasyon” ni Megastar Sharon Cuneta ang yumaong vlogger na si Lloyd Cadena noong kasagsagan ng kanyang kalungkutan.
Ipinagluluksa ngayon ng kanyang pamilya, mga kaibigan, kapwa vloggers at ng mga kakilalang celebrities ang biglaang pagkamatay ni Lloyd sa edad na 26.
Isa sa mga na-shock at talagang hindi pa rin makapaniwala hanggang ngayon sa malungkot na balita ay ang nag-iisang Megastar.
Ayon kay Sharon isa si Lloyd sa mga “anak-anakan” niya na inilarawan niyang napakabait at sobrang sweet na bata.
“Imagine my shock when on my IG feed, popped out the news about Lloyd Cadena’s unexpected passing!” simulang mensahe ni Shawie para sa namatay na Pinoy vlogger.
“Lloyd was one of the ‘anak-anakan,’ hinihintay ko pang sabihin mo sa akin Lloyd anak kung ano ang gusto mong gift ko sayo sa bagong bahay mo.
“Ang tagal-tagal na nahihiya ka pa rin magsabi, ‘di ka tuloy nabigay ng gift nitong ‘Inay’ mo.
“I will miss you, Lloyd. Salamat sa sayang dinulot ng vlogs mo sa akin na lagi kong sinasabi sayo, lalo nung low na low si Inay at sobrang hurt at sad ako.
“Hinding-hindi kita makakalimutan. At gusto ko malaman ng lahat ngayon na mahal kita anak. Madaming nagmamahal sayo at di ka rin makakalimutan.
“Rest in peace, dear Lloyd, sana ay madami pang tumulad sa pinakita mong kabutihan ng puso mo sa kapwa at sa magulang.
“I love you anak. I will really, really miss you,” ang buong pahayag ni Mega para sa yumaong vlogger na ibinahagi niya sa kanyang Instagram followers.
Pagpapatuloy pa niya, “@lloydcafecadena ‘s sudden passing at the too-young age of almost 27 has once again painfully reminded me of how short life is.
“Don’t live your life the way others expect you to. It is YOUR life. Follow your heart and live it your way.”
Nag-share pa si Sharon ng isang quote mula sa kilalang American poet at civil rights activist na si Maya Angelou, “Your legacy is every life you have touched,” at nilagyan ng caption na, “R.I.P. Lloyd Cadena @lloydcafecadena.”