Mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, 234,570 na

Mula sa Facebook page ni Mayor Oscar Malapitan

Lagpas 2,000 ang naitalang bagong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) araw ng Sabado (September 5), umabot na sa 234,570 ang kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 69,112 ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 2,529 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Umaabot sa 90.4 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 7.2 porsyento ang asymptomatic; 1.0 porsyento ang severe habang 1.4 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nakuha ang mga datos mula sa 92 out of 113 licensed laboratories.

Nasa 53 ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 3,790 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 1,136 naman ang gumaling pa sa bansa kaya ang kabuuang bilang ng nakarekober sa sakit ay 161,668 na.

Read more...