Follow up ito sa nasulat namin dito sa Bandera kahapon tungkol sa paghingi ni MTRCB Chairperson Rachelle Arenas ng tulong sa Senado na bigyan sila ng otoridad na ma-regulate ang lahat ng ipinalalabas sa Netflix, iFlix at iba pang online platforms.
Umalma ang ilang filmmakers at producers na nakausap namin tulad nina Atty. Joji V. Alonso ng Quantum Films, IdeaFirst Company Perci M. Intalan, Aliud Entetainment Yam Laranas at sina direk Cathy Garcia Molina at Sigrid Andrea Bernardo. Hindi sila pabor sa gustong mangyari ni Ms Arenas.
Maging si House Speaker Allan Peter Cayetano ay hindi ring gusto ang plano ng MTRCB chief.
Pero may nakausap kaming TV at movie consultant na ipinaliwanag niya ang magandang plano ng hepe ng Movie and Television Review and Classification Board.
Kilala ang consultant na ito sa showbiz industry pero ayaw niyang ipabanggit ang pangalan niya para walang isyu.
Aniya, “Ang sa akin, dapat magkaroon ng accountability at responsibility ang bawa’t kumpanya na nagne-negosyo dito sa Pilipinas.
“The issue for me is not on censorship or making life difficult to online streaming like FB, Instagram, Tweeter, YouTube and others. Online streaming activities in general is not the concern but foreign companies doing business in our country using TV as their platform. For me, the existing MTRCB charter restricts its power only to companies that uses television and movie theaters as their outlets to show their programs.
“Ang paniniwala ko, dapat mag-register sa MTRCB ang lahat ng foreign content provider na ang programa ay napapalabas sa telebisyon at kumikita sa ating mamamayang Pilipino.
“Unlike Facebook at YouTube na wala tayong binabayaran except sa internet provider, ang Netflix and the likes ay nagne-negosyo dito sa ating bansa. At dahil dito, kailangan mag-register sila MTRCB para sa mga rason:
- Para magkaroon ng level playing field ang local at foreign content provider. Di ko sinasabing to screen every material but for Netflix to have their programs classification according to MTRCB guidelines or Filipino standards and values. Self regulation like what the cable TV players are doing. Such act will empower viewers to decide which program is fit for them. (Doable or not, important to dialogue with Netflix)
- Pag required mag-register ang banyagang companies na kumikita sa ating bayan, mapipilitan silang magkakaroon ng local offices at pinaka importante, may jurisdiction na ang ating pamahalaan sa mga banyagang content provider. These companies should pay taxes too.”
Nabanggit pa na nakipag-dialogue na raw ang MTRCB noon sa foreign content providers na mag register sa MTRCB para raw i-recognize ang laws sa Pilipinas tulad din ng ginagawa nila sa ibang bansa.
Sabi pa, “Ihalintulad natin sa Singapore, Korea at iba pa na sumusunod lahat sa batas ng bawat country. Respeto at pag recognize sa batas natin ang mga nagne-negosyo sa ating bansa. Kung nasusunod nila sa ibang bayan, bakit hindi sa atin?
“Hindi naman dapat matakot ang local industry players kasi sakop na sila ng batas natin. Admittedly, dahil sa fear sa ating administration ngayon, kaya nagre-react ang karamihan ng stakeholders. Masyadong matapang at malakas ang dating ng MTRCB legal counsel sa kanyang pagbigay ng position. I feel for MTRCB Chair Rachel.
“My gut feel says hindi rin alam ni Speaker Cayetano ang kabuuan ng position ng MTRCB. As expected, government officials mahilig makisakay sa issue. Of course with due respect kay Sen Grace Poe.
“Totally understand the industry players reaction. Feeling ko nga ako isa ako sa iilan ang pananaw.”
Pero diin ng aming kausap na TV at movie consultant na hindi siya pabor sa MTRCB.
“Am actually not in favor of MTRCB. Am pushing for self-regulation. But since MTRCB is still in existence, my position is for the agency to actively push the industry to learn and strictly observe self-regulation.
“I see MTRCB as an agency that will hear filed cases filed on violations. No more reviews and approval. Bawa’t network or movie outfit mag self-regulate. Alam na nila guidelines ng MTRCB at sila na mismo mag classify.”
https://bandera.inquirer.net/263478/plano-ng-mtrcb-na-pakialaman-ang-pinoy-movies-sa-online-inalmahan-ng-mga-producer-director