Bakit nag-sorry ang Ben&Ben sa paggamit ng ‘Lights’ bilang pangalan ng kanilang fandom?

NAGDESISYON ang award-winning OPM group na Ben&Ben na huwag munang gamitin ang salitang “Lights” bilang official name ng kanilang fandom.

Ito’y matapos ipaalam sa kanila na ang “Lights” ay ginagamit na pala ngayon ng mga fans ng isang K-Pop group, ang HIGHLIGHT.

Kahapon, masayang in-announce ng Ben&Ben ang launching ng kanilang official fandom na “Lights” bilang bahagi ng pagpapasalamat nila sa lahat ng kanilang tagasuporta sa loob ng tatlong taon.

“ANNOUNCEMENT: It has been a good three years with all of you. we are forever thankful. so today, we are naming the official Ben&Ben Fandom, ‘Lights’.

“@benandbenlights. you have ALWAYS been the light to the 9 of us. You keep us grounded in our purpose,” tweet ng Ben&Ben.

Pero dahil nga “Lights” din ang tawag sa mga fans ng K-Pop group na HIGHLIGHT, naglabas agad ng bagong announcement ang award-winning OPM group. uses the same name for their fandom.

Pahayag ng grupo, “We have decided to suspend our fandom name ‘Lights’ until further notice, as many have informed us that there is already an existing K-pop fandom with the same name.

“We apologize for the confusion and dismay that this has caused to the parties involved.”

“Furthermore, we truly did not realize that it may cause trouble being that Ben&Ben is an OPM band from the Philippines.

“We hold high respect for K-pop culture and K-pop fandoms. The band management will settle this matter immediately,” mensahe pa ng Ben&Ben.

Para sa mga hindi pa nakakaalam, ang HIGHLIGHT ay ang dating BEAST na ipinakilala noong 2009 pero binago nga nila ang kanilang pangalan noong 2017. Sila ang nagpasikat ng mga kantang “Fiction,” “Ribbon,” “You,” and “12:30.” 

Read more...