FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa BANDERA kahapon tungkol sa pagkaka-dismiss ng mga kasong libelo at cyber libel na isinampa ni Cedric Lee kay Vina Morales na ina ng anak niyang si Ceana.
Tulad ng pahayag ni Vina sa kanyang Instagram post ay nagpapasalamat siya dahil isang kaso na lang ang wala pang resulta, ang custody case na isinampa ng tatay ng anak niya.
Sabi ni Vina, “He was the one who filed for custody last 2013.”
Tinanong namin kung nahihiram o nadadalaw ni Cedric ang anak since may custody case na nakabinbin sa korte.
“He is married with two kids and I am a single mother, so Ceana stays with me. There was a visitation but that incident happened na hindi nabalik ang anak ko for 9 days and we filed for kidnapping in Madaluyong City which he was found guilty.
“Atty. Lucille Sering has been helping me and I’m praying that the San Juan Custody case will end soon especially COVID time,” kuwento ni Vina.
At dahil guilty si Cedric sa kasong kidnapping kaya tinanong namin kung nakulong o out on bail ang tatay ng anak niya.
“No jail ‘coz they are blood related,” sambit ni Vina.
Tinanong namin kung annulled na si Cedric sa asawa nito, “I don’t know ‘coz I have no interaction with him for so many years now.”
Muli naming natanong kung nadadalaw ni Cedric ang bata o si Ceana ang pumupunta sa tatay niya, “Pandemic now, bawal lumabas ang bata,” katwiran ng singer-actress
How about video call or nagkakatawagan, “It’s Ceana’s decision if gusto niya kausapin si Ced. For now, hindi sila nag-uusap,” kuwento ni Vina.
Samantala, hindi lang ang mga kasong na-dismiss ang ipinagpapasalamat sa Diyos ni Vina dahil sa panahon ng pandemya na maraming nawalan ng trabaho at nagsara pa ang ABS-CBN kung saan siya kunektado, nabigyan din siya ng pagkakataong mapanood sa NET 25 na pag-aari ng Eagle Broadcasting Corporation.
Lahat kasi ng artists ng ABS-CBN ay pinayagan nang tumanggap ng offers sa ibang network at isa si Vina sa nakatanggap ng offer.
Ang programa ng singer-actress sa NET25 ay ang “Tagisan ng Galing Part 2” (nirequest siya ulit) kung saan isa siya sa mga hurado.
“I have been an artist of Net25 sa mga events nila for years, I am actually grateful s work na binibigay nila sa akin especially this pandemic. Thankful ako sa mga boss ng Net25,” say ni Vina.