Months ago, bumida si Kim sa social media dahil hindi maintidihan ng tao ang gusto niyang ipahiwatig patungkol sa paglabas ng classroom. Nalito ang netizens sa kung ano ang gusto niyang palabasin.
Bilang isang social media influencer, natanong si Kim sa finale mediacon ng “Love Thy Woman” kung ano ang tatlong lessons na natutunan niya.
“Siguro kasi tinitingnan ko ‘yung insights ko on Instagram account ko, kung sino ang audience ko, kung girls ba or boys ba. Parang ginagamit ko siyang platform to inspire people,” she initially said.
“Ang natutunan ko is to show who I am kasi kaya lang naman nila ako pina-follow is because they want to know what I’m doing, kung kumusta ako, kung ano ‘yung ginagawa ko.
“Siyempre, ‘yung gusto ko i-share sa kanila kung ano ‘yung nagagawa ko, eh, para gawin din nila like workout or like mag-vitamins tayo,” dagdag pa niya.
For her, parang social awareness na rin ang kanyang mga post “for me to let them do the same thing as what I am doing”.
Ayon sa aktres ay iba-iba ang reaction ng mga tao sa bawat post ng isang celebrity.
“Siyempre, ang laki ng social media ngayon so isang gawin mo lang, isang post mo lang, hindi mo alam kung nega na iyon or not, ‘di ba?
“So, careful din ako at the same time. Hindi ko pino-post lahat-lahat ng ginagawa ko. And then binabasa ko nang maayos ang mga caption ko kasi ang dami na nilang nakatingin, nakasubaybay sa mga maling ginagawa ko.
“Think twice before you post and inspire people. Do not change yourself para sa audience mo. Show them kung sino ka or kung ano ka,” paliwanag niya.
Samantala, magkakasukatan na ng husay sa utakan at talas ng pakiramdam ang kababaihan ng “Love Thy Woman” sa patuloy na banggaan nina Kim Chiu, Yam Concepcion, Eula Valdes, Sunshine Cruz, at Ruffa Gutierrez para sa kayamanan at hustisya sa huling dalawang linggo ng serye sa Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live.
Patuloy na magbibintangan at maglalaglagan ang mga pamilya ni Adam (Christopher de Leon) sa paglabas ng mga kasagutan sa likod ng pagkamatay at iniwan niyang yaman.
Tuluyan na ngang naipit sa krimen si Lucy (Eula) dahil sa akusasyon ni Amanda (Ruffa) na siya ang tunay na maysala. Kahit pa magkaagaw sa yaman, hindi kumbinsido sina Kai (Sunshine) at Jia (Kim) na magagawa ito ni Lucy, kaya’t mamanmanan nina Jia at David (Xian Lim) ang mga galaw ni Gab (Karl Gabriel) para tumulong sa imbestigasyon.
Lalo namang titindi ang iringan sa pagitan ng dalawang pamilyang Wong dahil sa pag-aagawan nina Jia at Dana (Yam) kina David at Michael. Sa lungkot ni Dana sa pagkakulong ng kanyang ina, lalapit ito kay David, na mas pipiliin namang tulungan si Jia kaysa sa puntahan ang kanyang dating asawa. Dahil naman sa galit at selos, pilit na babawiin ni Dana ang kanyang inampong anak na si Michael.
Si Lucy nga ba ang pumaslang sa asawa niya? Sino sa limang babae ang tunay na may karaparatan sa kayamanan ni Adam? Kanino kina Jia at Dana mapupunta ang pinakamamahal nilang sina David at Michael?
Alamin kung sino ang “the last woman standing” sa “Love Thy Woman,” Lunes hanggang Biyernes, 2:30 p.m., sa Kapamilya Online Live sa Facebook page at YouTube ng ABS-CBN Entertainment, at sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel.