Female star biktima rin ng ‘ghosting’, bigla na lang iniwan ng dyowang aktor

ANO kaya ang pakiramdam ngayon ng kilalang young actor na na-link sa isang aktres na akala ng lahat ay sila na?

Pero biglang “ginhosting” ng binata ang dalaga na ngayon ay masaya na ang puso sa piling ng isa pang batang aktor.

Noong nahiwalay si aktres sa kanyang karelasyon ay umentra kaagad si young actor na talagang madly in love dahil dumating pa sa puntong ginagawan niya ng tula ang dalaga. Hindi lang namin alam kung naibigay niya ito sa aktres.

Maraming natuwa sa young actor at aktres at sa katunayan ay lagi na silang lumalabas kaya talk of the town sila noon hanggang isang araw ay biglang nagsabi ang dalaga na hindi na sila nagkikita.

Hindi na raw tumatawag at hindi na rin pumupunta ang young actor sa bahay nila para dumalaw kaya ang tanong ng lahat kung anong nangyari, “Hindi ko po alam, walang pasabi,” say ng aktres.

So, biktima nga ng ghosting si aktres dahil bigla na lang siyang iniwan ng guy na wala man lang pasabi at paliwanag.

Pero parang nakabuti na rin dahil si aktres ay nakatagpo na ng bagong pag-ibig at base sa nababalitaan namin ay masayang-masaya siya ngayon.

Bukod dito, maraming boto sa kanila ng batang aktor at umaasa ang kanilang mga pamilya at mga kaibigan na sila na nga ang magkatuluyan sa ending.

Read more...