Liza nangako ng tulong sa mga natanggal na empleyado ng Star Magic: Hindi po ito ang katapusan

 

 

NAG-PROMISE si Liza Soberano na handa siyang gawin ang lahat para makatulong sa mga natanggal na staff ng Star Magic, ang talent management ng ABS-CBN.

Ayon sa Kapamilya young actress, napakalaki ng tinatanaw niyang utang na loob sa Star Magic lalo na sa pinaka-head nitong si Johnny Manahan o mas kilala bilang si Mr. M.

“First of all I just want to say thank you so much. Thank you for the friendship, for the guidance, for everything that you have done for the Star Magic family, for me and for Mr. M and Tita Mariole (Alberto).

“I know a lot of you guys are going through a really hard time right now and it just breaks my heart to think about it,” pahayag ni Liza sa isang video na ipinost sa Instagram ng Star Magic executive na si Thess Gubi.

Sabi pa ni Liza, “But I just want you guys to know that there’s always a rainbow after the storm as cliche as it may sound.

“It’s true and this may all be part of God’s big plan for all of us. And I just want to wish you guys nothing but the best.”

Naniniwala rin daw si Liza na makakabalik pa rin ang ABS-CBN at magpapatuloy sa pagbibigay ng serbisyo sa madlang pipol.

“I don’t believe this is the end for all of us. I believe that ABS-CBN will one day come back stronger and better than ever and I believe that all of us will be together again,” chika ng aktres.

Dito, nangako nga ang dalaga sa mga na-retrench na Star Magic employees na handa siyang tumulong sa abot ng kanyang makakaya.

“If you guys ever need support, I’m here to give it in any way or form. If you guys have new businesses that you guys are planning on opening up or new ventures that you guys are looking into, I want to show my 100% support all the way through just please let me know how to,” lahad ng girlfriend ni Enrique Gil.

Nitong nakaraang Biyernes, Aug. 28, libu-libong manggagawa ng ABS-CBN ang nagpaalam matapos mapasama sa listahan ng retrenchment program ng network dahil pa rin sa desisyon ng kongreso na tuluyan na itong ipasara.

Read more...